-- Advertisements --

Sinuspendi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ipinapatupad na number coding ngayong araw, Agosto 26, bilang pakikiisa sa National Heroes Day.

Nagpayo din si MMDA Chairman Danny Lim ang mga motorista na maging maingat sa pagmamaneho.

Mahalaga din aniya ang pagsunod sa mga batas trapiko na ipinapatupad hindi lamang sa Metro Manila at sa halip ay sa lahat ng kalsada sa bansa.

Tiniyak din ng MMDA na sila ay magpapakalat ng mga traffic enforcers para manghuli ng mga lalabag sa batas trapiko.