-- Advertisements --
Pinag-aaralan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagbabalik ng number coding scheme sa Metro Manila tuwing rush hour.
Sinabi ni MMDA Chairman Benhur Abalos na ang nasabing polisiya ay para mabawasan ang bulto ng sasakyan na bumabagtas sa malaking bahagi ng Metro Manila.
Ipapatupad aniya ang number coding kapag naging tumindi pa ang trapikong nararanasan.
Posible ipatupad ito mula ala-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at ala-5 ng hapon hanggang ala-7 ng gabi.
Magugunitang nitong Oktubre ay sinabi ni Abalos na nananatili pa ring suspendido ang number coding kahit na binaba na ang Alert level ng National Capital Region.