Naganunsyo ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ang number coding scheme ay pansamantalang isususpindi sa Enero 29 para sa pagdiriwang ng Chinese New Year.
Sa naging abiso ng ahensya sa kanilang social media account, maliban sa pagaanunsyo ng number coding scheme ay nagabiso na din ang pamunuan ng MMDA na makakaranas din ng matinding trapiko ang mga motorista sa araw na ito partikular na sa bahagi ng Binondo,Manila.
Inaasahan kasi na magsasagawa ng kanilang tradisyon gaya ng dragon dance at iba pang kultura ang mga Tsinoy sa bahaging ito ng Maynila.
Samantala, naglabas naman ng mga road closure ang Manila Police District-Public Information Office (MPD-PIO) na hindi maaaring daanan simula 9:00pm ng gabi ng Enero 28.
Ilan dito ay sa bahagi ng Quintin Paredes mula sa Padre Burgos Avenue hanggang Dasmarinas Street, Jones Bridge, Plaza Cervantes and Binondo-Intramuros Bridge.