-- Advertisements --
MMDA CODING

Pansamantalang sususpendihin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang implementasyon ng number coding sa Metro Manila simula sa Disyembre 26, 30 at sa January 2 ,2023.

Ito ay kasunod na rin ng pagdedeklara ng Pangulo sa December 26 at January 2, 2023 na parehong natapat sa araw ng Lunes bilang special non-working days.

Habang ang December 30 o Rizal Day na natapat sa araw ng Biyernes ay isang regular holiday.

Una ng inihayag ng MMDA na ang number coding ay awtomatikong kanselado sa Metro Manila kapag regular holidays.

Payo naman ng ahensiya para sa ligtas na byahe ngayong holiday na planuhin ang biyahe, sumunod sa batas trapiko at mag-ingat sa pagmamaneho.