Sinuspendi ang number coding scheme sa Metro Manila ngayong araw ng Lunes, Setyembre 2.
Ito ay sa gitna ng masungit na panahong nararanasan dala ng bagyong Enteng na sinabayan pa ng hanging habagat.
Samantala, ilang mga pangunahing kalsada din sa rehiyon ang binaha.
Base sa monitoring ng MMDA kaninang alas7:27 ng umaga, binaha ang Commonwealth Doña Carmen WB, Commonwealth Ylanan EB, Commonwealth University Ave. EB, Commonwealth Don Antonio WB at Commonwealth Marlboro WB
Nasa gutter deep ang baha sa naturang mga kalasada subalit humupa na ito at passable na rin sa lahat ng uri ng mga sasakyan.
Base naman sa advisory mula sa NDRRMC kaninang alas-8:15 ng umaga, nakataas ang Orange Rainfall Warning sa Metro Manila kung saan pinag-iingat ang lahat sa banta ng matinding pag-ulan, pagbaha at pagguho ng lupa.