-- Advertisements --
Kinansela ng Metropolitan Manila Development Authority ang pagpapatupad ng number coding scheme ngayong araw sa Metro Manila.
Ang kanselasyon ay kasunod na rin ng suspensyon ng mga klase sa NCR dahil sa nararanasang mga pag-ulan dulot ng hangit habagat.
Ayon sa ahensya, suspendido ang pagpapatupad ng Expanded Unified Vehicular Volume Reduction Program ngayong araw.
Inirekomenda naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang kanselasyon ng klase sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa Metro Manila bagamat depende pa rin ito sa mga pinuno ng paaralan.
Paliwanag naman ng MMDA, layon ng suspensyon ng number coding scheme na maiwasan ang untoward incidents at masiguro ang kaligtasan ng publiko.