-- Advertisements --

Suspendido ang number coding sa Metro Manila ngayong araw, Oktubre 31 hanggang bukas, Nobiyembre 1.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ito ay para ma-accommodate ang mga bibiyahe kasabay ng paggunita ng All Saint’s Day na isang special non-working holiday bukas at long weekend.

Nagpaalala naman ang MMDA sa publiko na planuhin muna ang biyahe, sumunod sa mga batas trapiko at mag-ingat sa pagmamaneho ngayong Undas break upang maiwasan ang anumang aksidente sa kalsada.

Bukas naman ang hotline 136 para sa anumang emergency sa kalsada at kung may mga katanungan kaugnay sa mga batas trapiko, at para sa road assistance.