-- Advertisements --
Suspendido ang number coding sa Metro Manila ngayong araw ng Miyerkules, Oktubre 23 sa gitna ng mga pag-ulan dulot ng bagyong Kristine.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sinuspinde ang number coding matapos ianunsiyo ng Palasyo MalacaƱang ang kanselasyon ng mga klase at pasok sa gobyerno sa buong Luzon dahil sa nagpapatuloy na pag-ulan dala ng bagyo.
Sa kasalukuyan nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No.1 sa Metro Manila.
Nag-isyu na rin ng Heavy Rainfall warning kung saan nakataas sa Yellow warning level ang Metro Manila. Kayat pinag-iingat ang mga residente sa mga pagbaha lalo na sa mga flood-prone areas.