Magpapatupad ng suspension sa number coding scheme sa National Capital Region ang Metropolitan Manila Development Authority sa Marso 28 hanggang Marso 29, 2024.
Ito ay upang magbigay-Daan sa paggunita ng Maundy Thursday at Good Friday sa nalalapit na Semana Santa sa susunod na linggo.
Ayon kay MMDA chairman Don Artes, ipatutupad ang number coding scheme mula alas-7:00am hanggang alas-10:00am at alas-5:00pm hanggang alas-10:00pm.
Samantala, kaugnay nito ay nilinaw naman ni Artes na hindi kasama sa ang bus lane sa mga nasasaklaw ng suspension ng number coding scheme sa mga kalsada sa sa Metro Manila.
Habang pagsapit naman ng Black Saturday ay balik normal na muli ang magiging trapiko sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila kasabay naman ng pagtatapos ipinatupad na suspension ng MMDA sa number coding scheme sa rehiyon.