-- Advertisements --

Suspendido ang pagpapatupad ng expanded number coding scheme bukas, araw ng Miyerkules, Mayo 1 kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Paggawa o Labor Day ayon sa abiso mula sa MMDA.

Ang Mayo 1 ay deklarado ng Malacañang bilang regular holiday.

Inaabisuhan din ng MMDA ang publiko na saan man ang destinasyon, laging tandaan na planuhin ang biyahe, sumunod sa batas trapiko, at mag-ingat sa pagmamaneho.