Pansamantalang aalisin ng Metropolitan Manila Development Authority ang number coding scheme sa Metro Manila ngayong araw.
Sinabi ng MMDA na sususpindihin ang expanded number coding scheme ngayong Biyernes bilang paggunita sa Chinese New Year.
Idineklara na rin kasing special non-working day ang Pebrero 9.
Ang Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP), na mas kilala bilang expanded number coding scheme, ay nagbabawal sa ilang sasakyan sa EDSA at iba pang mga lansangan sa National Capital Region isang araw sa isang linggo sa mga oras na 7 a.m. hanggang 10 a.m. at 5 p.m. hanggang 8 p.m., depende sa huling numero ng kanilang plaka.
Ang mga sasakyang may plaka na nagtatapos sa 1 at 2 ay dapat sumunod sa pagbabawal sa Lunes; mga sasakyang may plaka na nagtatapos sa 3 at 4 ay sa Martes; 5 at 6 sa Miyerkules; 7 at 8 sa Huwebes; at 9 at 0 sa araw Biyernes.
Una na rito, ang opisyal na pagdiriwang ng Chinese New Year ay sa Sabado, Pebrero 10.