-- Advertisements --
Sinuspendi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng number coding ngayong araw Agosto 21, bilang paggunita sa pagkamatay ni dating Senator Benigno “Ninoy” Aquino Jr.
Sinabi ni MMDA Chairman Danilo Lim, na maari ng ipagpatuloy ng mga motorista ang kanilang mga biyahe.
Tiniyak din ng MMDA na patuloy pa rin ang kanilang pagpapakalat ng kanilang enforcers para manghuli sa mga traffic violators.
Ipapatupad ang nasabing temporary lifting ng number coding sa buong Metro Manila.