Pumanaw na habang nasa loob ng kulungan ang kilalang kritiko ni Russian President Vladimir Putin na si Alexei Navalny.
Ayon sa mga prison officials sa north-east Moscow na bigla na lamang nawalan ng malay ang 47-anyos na si Navalny hanggang ito ay tuluyang nalagutan ng hininga.
Noong Agosto ay hinatulan ito ng guilty sa pagtataguyod at pagpopondo ng mga extremist organization at nabigyan ng 19 na taong pagkakakulong.
Una na siyang nahatulan ng siyam na tong pagkakakulong dahil sa parole violations, fraud at contempt of court.
Mula sa Moscow ay inilipat siya noong Disyembre sa IK-3 colony sa bayan ng Kharp na may layong 1,900 kilometro ng north-east Moscow.
Hindi naman naniniwala ang mga kaanak ni Navalny na ito ay namatay ng walang dahilan dahil ayon sa kaniyang ina na ito ay malakas pa noong Pebrero 12.
Naging matunog ang pangalan ni Navalny noong Agosto 202 ng ito ay lasunin habang nasa loob ng eroplano mula sa Tomsk, Siberia pauwi ng Moscow.
Dinala ito sa pagamutan sa Germany kung saan lumabas sa kanilang pagsisiyasat na ito ay nilason ng chemical agend mula sa grupo ng Novichok.
Nagsimulang isawalat ni Navalny ang mga katiwalan ni Putin noong 2007 gamit ang social media matapos na ito ay patalsikin sa opposition party na Yabloko dahil sa pagsasagawa ng nationalistist activities.
Enero 2021 ng ito ay ikinulong sa paliparan ng Moscow pagdating niya.
Patungo na sa lugar kung saan nakakulong si Navalny ang mga abogado nito para kumpirmahin ang sanhi ng kamatayan nito.