Binuweltahan ng National Union of People’s Lawyer (NUPL) si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Assistan Secretary Celine Pialago sa naging pahayag nito sa aktibistang si Reina Mae Nasino.
Ayon sa NUPL, na hindi sana danasin ni Pialago ang dinanas ni Nasino.
Tiniyak din ni NUPL secetary-general Edre Olalia, na kanila ring tutulungan ito sakaling nangyari sa kaniya ang nangyari kay Nasino.
Nauna rito, umani ng negatibong komento ang social media post ng MMDA spokesperson na bumabatikos sa pagpapalaya kay Nasino para makadalo sa burol at libing ng kaniyang tatlong buwang anak na pumanaw.
Naaresto si Nasino noong nakaraang taon sa opisina ng Bagong Alyansang Makabayan sa Maynila kung saan nakuha dito ang maraming uri ng mga baril at pampasabog.
Nanganak na ito habang nakakulong subalit pumanaw ang anak noong Oktubre 9.