-- Advertisements --
Nanawagan si Russian Mixed Martial Arts fighter Khabib Nurmagomedov sa kaniyang mga mamamayan na maging disiplinado at makinig sa mga doctor para hindi na kumalat pa ang coronvirus disease 2019 o COVID-19.
Isinagawa nito ang panawagan sa kaniyang social media matapos na nadapuan ng virus ang ama nito.
Naninirahan kasi sa Dagestan sa southern Russia ang 31-anyos na si Nurmagomedov na siyang lugar na may pinakamaraming kaso ng coronavirus sa Russia.
Ibinunyag pa nito na mayroong mahigit 20 mga kaanak nito na naninirahan sa lugar ang nadapuan ng virus.
Nauna rito nasa kritikal pa rin na kondisyon ang ama nitong si Abdulmanap Nurmagomedov matapos na dapuan ng nasabing virus.