-- Advertisements --

Sinimulan na ng US ang mass COVID-19 vaccination.

Kasunod ito sa pagdating sa ilang estado ng mga COVID-19 vaccine na gawa ng Pfizer/BioNTech.

Unang nabigyan ng bakuna ay isang nurse mula sa Long Island, New York.

Inaasahan na darating ang ilang milyong vials ng Pfizer/BioNtech vaccine sa sa 150 pagamutan.

Target kasi ng US na mabakunahan ang 100 milyon na mamamayan nila hanggang sa buwan ng Abril.

Magugunitang binigyan ng US Food and Drug Administration (FDA) ng emergency-use authorization ang nasabing kumpanya.