CENTRAL MINDANAO- Nagnegatibo na sa ikalawang swab test result ang walong buwang buntis na nurse sa Kidapawan City.
Ang biktima ay si PH 3671 na residente ng Barangay Poblacion Kidapawan City.
Una ng nagpositibo sa Coronavirus Disease (Covid 19) ang pasyente na may travel history sa bansang Abu Dhabi,Singapore at sa Davao City.
Kinumpirma ng Department of Health (DOH-12) at ni Cotabato 2nd District Board Member Dr Philbert Malaluan na siya ring pinuno ng COVID-19 Provincial Inter-agency Task Force na nagnegatibo sa ikalawang swab test result ang nurse.
Ang pamilya at close contact ni PH 3671 ay nagkaroon rin ng negative test result.
Wala ng sintomas sa Covid 19 ang pasyente habang maayos rin ang kanyang pagbubuntis.
Nanatili ng halos isang buwan si PH 3671 sa isolation facility at pagka-discharge nito ay sasailalim pa siya sa karagdagang 14-day strict private quarantine.
Sa ngayon ay mayroon ng 2 recovered cases sa probinsya ng Cotabato habang hinihintay parin ang test result ni PH 3989 ang huling confirmed positive case.