BUTUAN CITY- Inihanda na ng mga otoridad ang mga kasong isasampa laban sa isang registered nurse matapos ang matagumpay na buy-bust operation sa Barangay Washington, Surigao City kahapon ng alas-4:30 ng hapon.
Sa panayamg ng Bombo Radyo Butuan, kinilala ni Dindo Abellanosa information officer ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Caraga, ang na-aresto na si Mark Anthony Patiño na isang high value target.
Nakuha sa posisyon nito ang isang pinaghihinalaang sachet ng shabu na ginamit sa transaksyon na may timbang na 5 gramo, isa pang sachet na may timbag na isang gramo, buy-bust money na one thousand peso bill ; dalawang selpon, at ang kanyang PRC License ID.
Nakakostodiya na ngayon sa Surigao City PNP ang nasabing indibidwal na nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 and 11 Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.