CAGAYAN DE ORO CITY – Itinuring ng pulisya na ‘self-accident’ ang pagkahulog ng ambulansiya sa bangin na nag-resulta pagkamatay ng isang attending nurse at at ang sugatan sa Purok 7,Sultan Naga Dimaporo,Lanao del Norte.
Kinilala ang namatay’ng biktima na si Jasper Alcara at kasalukuyang nurse sa Mendoro Hospital na nakabase sa Pagadian City.
Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Police Regional Office 10 spokesperson Major Joann Navarro na mula Pagadian City patungong Polymedic Plaza ng Cagayan de Oro City ang ambulansiya na minaneho ni Joel Ticbao nang mawalan ng preno sa madulas na bahagi ng Sultan Naga Dimaporo resulta ng biglang pagbuhos ng ulan.
Pinagsikapan umano ng drayber na makaiwas subalit nawalan ng preno ang ambulansya at tuluyang nahulog sa 30 talampakan na lalim na bangin kaya napuruhan si Alcara.
Magugunitang naka-schedule magpa-opera ang karga na pasyente na si Christopher Galemit nitong syudad subalit dahil sa aksidente ay nagka-double injury na ito.
Maliban kay Galemit at Ticbao na kapwa sugatan, katulad na karanasan rin ang tinamo ng dalawa pang mga pasahero na sina Lord Cedrick Malinao at Kris Alyssa Galemit na lahat dinala sa provincial hospital ng Lanao del Norte.