-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nagpapatuloy sa ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad sa pagkasawi ng isang nurse sa pagsabog ng granda sa sementeryo sa bayan ng Midsayap, North Cotabato.

Ito ang kinumpirma ni Barangay Kapitan Fernando Buagas, ng Poblacion 8, Midsayap, North Cotabato.

Ngunit, tumanggi ang opisyal na ibunyag ang pagkakakilanlan ng biktima na nasa higit 50 taong gulang dahil na rin sa hiling ng pamilya.

Ayon kay Kapitan Buagas, pumasok pa sa trabaho ang nurse ngunit hindi na nakauwi kinahapunan at natagpuan na lamang na wala nang buhay.

Isang magsasaka umano ang nakakita ng bangkay ng biktima sa loob ng Museleo na halos hindi na makilala ang mukha dahil sa ulo nito sumabog ang Granada.

Agad naman na rumesponde ang mga barangay official, pulisya at EOD team kaya’t nakita ang nakahandusay na biktima.

Bago pa natagpuan ang bangkay ng biktima ay nakarinig umano ang mga residente malapit sa sementeryo ng pagsabog ngunit binalewala lamang nila.

Wala namang ibang suspek na itinuturo sa pagsabog kundi ang anggulo na mismong ang biktima ang nagpasabog ng Granada.

Sa ngayon hindi pa matukoy ng pamilya ng biktima kung ano ang dahilan ng pagpapakamatay nito.

Hiling naman nila na erespeto ang kanilang parivacy at ipanalangin na lamang ang katahimikan ng kaluluwa ng biktima.