-- Advertisements --

Ipinakilala na sa publiko ang latest invention ng Hong Kong, ang ultra-lifelike nurse robot na si Grace.

Ang robotic health care assistant na ito ay nilikha upang tumulong sa mga nurses. Nilagyan ito ng sensor tulad ng thermal camera upang mag-detect ng temperatura at pulso ng pasyente.

Makakatulong din ito sa mga doctor sa pag-diagnose ng sakit at paggamot sa mga pasyente.

Ang humanoid robot na ito ay dinisenyo sa pag-alaga sa mga senior citizens at mga taong naka-isolate sanhi ng COVID-19.

Kaya din ni Grace magsalita ng tatlong wika- ang English, Mandarin, at Cantonese kaya magawa din nitong makipag- socialize at mag- conduct talk therapy.

Si Grace ay ginawa ng isang kumpanya na siyang naglikha din sa robot na si Sophia nang 2016.

Napag-alaman na isa ang United States sa mga bansa na nakakaranas ng kakulangan sa mga nurses dahil sa coronavirus pandemic.

Inaasahang 1.2 million new registered nurses ang kinakailangan sa taong 2030 upang matugunan ang current shortage na ito