-- Advertisements --
KUALA LUMPUR – Nakatakdang ipasara ang isang nursery sa Malaysia kasunod ng kaso kung saan ginahasa ng 12-anyos na bata ang apat na taong gulang na paslit.
Ito ang kinumpirma ni Malaysian Deputy Prime Minister Wan Azizah Wan Ismail.
Ayon naman kay Dr. Wan Azizah na siya ring Women, Family and Community Development Minister, hindi rehistrado ang nasabing nursery na mayroong inaalagaan na walong bata.
“We are in the process of shutting down the nursery,” ani Azizah.
Una rito, inihayag ng mga otoridad na inamin daw ng batang suspek ang paggahasa sa paslit matapos maimpluwensiyahan ng mga napapanood nitong porn videos sa cellphone. (CNA)