-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Humihiling na ng augmentation support ang Philippine Nurses Association (PNA) para sa dagdag pang mga medical frontliners sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal dahil sa mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID 19.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PNA National President Melbert Reyes, kinakapos na umano ng mga nurses at doktor ang mga ospital sa nasabing lugar dahil sa dami ng pasyenteng tinatamaan ng virus.

Karamihan umano sa mga medical workers ang halos 24 oras ng nakaduty sa mga ospital mabigyan lang ng medikal na atensyon ang mga nangangailangang pasyente.

Dahil dito nanawagan ang PNA President sa gobyerno na magpadala ng dagdag na mga health workers mula sa BFP, PNP, PCG, DepEd at iba pang ahensya ng gobyerno.

Aminado kasi itong sa sitwasyon ngayon sa bansa, ay hindi na posible ang paghingi ng dagdag na nurses at doktor sa ibang mga lalawigan na di rin maaring mawalan ng mga health workers.