-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Hindi na magtataka ang Nurses United kung maraming mga nurses at health care workers ang umalis sa Pilipinas.

Ito matapos na mag-alok ng oportunidad ang New Zealand sa mga Pilipnong nurse na magtrabaho sakanila kapalit ng malaking sahod at residency sa naturang bansa.

Dahil dito ay nababahala ang naturang grupo sa magiging sitwasyon sa bansa.

Sa panayam ng Bomb Radyo Legazpi kay Jocelyn Andamo, secretary General ng Nurses United. sinabi nito na malaki ang posibilidad na mawalan ng nurse sa Pilipinas upang maghanap ng mas magandang oportunidad sa ibang bansa.

Binalikan rin nito ang hindi pa naibibigay na mga benepisyo sa mga nurses sa bansa.

Paliwanag ni Andamo na upnag mapigilan ang pag-alis sa bansa ng mga nurse, kinakailangan na mabigyan solusyon sa lalong madaling panahon ang mga urgent issues sa medical sector.