LEGAZPI CITY- Sinampahan na ng kasong paglabag sa Section 11 at 12 ng Article II ng Republic Act 9165 ang isang 31-anyos na nursing student matapos na maaresto ng maaktuhan na gumagamit ng marijuana.
Ayon kay Police Lt. Col. Ronnie Fabia, hepe ng Daraga PNP, citizen arrest ang nangyari sa suspek matapos na madakip ng isang barangay tanod ng Brgy. Ilawod na gumamit ng marijuna habang nasa loob ng pampasaherong jeep na naka-park sa Daraga-Cumadcad terminal.
Narekober dito ang isang piraso ng tuyong dahon ng marijuana at iba pang drug paraphernalia.
Sinasabing nagsimula na gumamit ang suspek ng naturang ipinagbabawal na gamot ng maparbakada ito.
Ayon kay Fabia, nagpahayag na rin ng pagsissii ang naturang estudyante subalit nanindigan na kinakailangan na kaharapin ang pananagutan sa batas.