-- Advertisements --

Kinoronahan bilang Miss America ang 22-anyos na nursing student at cheerleader na si Abbie Stockard.

Si Stochard ay unang nakasungkit ng Miss Alabama noong nakaraang Hunyo.

Nangibabaw siya sa 51 mga kandidato mula sa iba’t-ibang estado ng US ganun din sa Washington D.C at Puerto Rico
.
Sa ginanap na taunang pageant sa Orlando, Florida ay nagwagi rin bilang runnder si Aneete Addo-Yobo ang first foreign-born delegate na naging Miss Texas.

Kasama naman sa top five ang mga pambato ng Tennessee, Florida at Ohio.

Pinalitan ng swimswear mula pa noong 2024 ng red and gold athleisure ganun din ang talent, eveningwear at interview portion.

Bukod sa korona ay nakatanggap din siya ng cash prize na $50,000.