Tiniyak ni National Vaccination Operations Center (NVOC) chair Myrna Cabotaje na may sapay na suplay ng Covid19 vaccines ang bansa sakaling aprubahan ng Food and drug Administration ang pagbabakuna ng ikalawang booster dose o ikaapat na dose sa huling linggo ng buwan ng Abril.
Ayon kay Cabotaje mayroong sapat na stocks ng covid19 vaccines ng Astrazeneca, Sinovac, Pfizer , Moderna at iba pang mga donasyon.
Ang hamon aniya ngayon ay ang pagbabakuna ng mga existing na suplay ng mga bakuna kung saan may ilang brands ng bakuna ang nakatakdang magexpire.
Ayon kay Cabotaje, inirekomenda ng Department of Health sa Inter agency task force for the Management of Infectious Diseases ang pagsama sa booster dose sa depinasyon ng fully vaccinated para mahikayat ang mga eligible na populasyon na magpabooster shot.
Sa datos hanggang Abril 12, nasa kabuuang 144.3 million vaccines na ang naibakuna.