-- Advertisements --
Pumayag na ang Manhattan District Attorney na ipagpaliban ang paglalabas ng hatol laban kay President elect Donald Trump dahil sa hush money case.
Sa sulat kay Judge Juan Merchan, ng kampo ni Trump na dapat ay tuluyan ng ibasura ang kaso nito dahil sa pag-upo niya bilang pangulo.
Subalit nanindigan ang District Attorney na ang mananatili ang nasabing kaso.
Una ng nahatulan si Trump noong Mayo ng kaniyang 34 counts dahil sa pamemeke ng mga business records para sa pagbabayad ng abogado nito na si Michael Cohen ng aabot sa $130,000 para sa isang adult star na si Stormy Daniels.
Binayaran si Daniels ni Trump para hindi makasira noong 2016 elections at hindi ibunyag ang relasyon nila.