-- Advertisements --

Ipinagmalaki ni New York Governor Andrew Cuomo ang pagdoble ng PCR testing capacity sa naturang estado kada araw.

Aabot ng 40,000 PCR testing ang kaya nilang gawin habang 700 testing sites ang naitayo sa buong estado.

Lahat ng residente ng New York ay maaaring sumailalim sa coronavirus testing lalo na ang mga indibidwal na may hinihinalang sintomas ng virus at nagkaroon ng direct contact sa sinomang may sakit.

Dahil dito ay patuloy ang pagpapalawak ng mga state officials sa testing capacity ng New York. Naniniwala kasi ang mga ito na mas magkakaroon sila ng malinaw na detalye kung gaano na kalawak ang infected ng virus.

Bilang panghihikayat naman ni New York Gov. Andrew Cuomo sa kaniyang nasasakupan ay sumailalim ito sa COVID-19 testing sa harap ng publiko.

Ginawa ito ni Cuomo habang nasa kalagitnaan ng kaniyang televised news conference.

Kamakailan lamang ay nakapagtala ang naturang estado ng halos 2,000 bagong kaso ng nakamamatay na virus.