-- Advertisements --

May pagdududa si New York Governor Andrew Cuomo sa coronavirus vaccine na inaprubrahan ng US Food and Drug Administration (FDA).

Sinabi nito na hindi lamang siya ang duda at maging ang maraming mga Americans dahil tila ito ay minadali para sa halalan.

Nauna ng isinusulong ni US President Donald Trump ang madaliang pagapruba ng COVID-19 vaccine bago ang November 3 US elections.

Maging ang pharmaceutical giant na Pfizer ay hindi kumpiyansa na makakakuha na sila ng approval para bago ang halalan.