Inanunsiyo ni New York Governor Andrew Cuomo na ito ay magbibitiw na sa kaniyang puwesto.
Ito matapos na inihahanda na ang impeachmente complaints laban sa kaniya dahil sa sexual harassments sa 11 kababaihan na pawang mga kasama niya sa opisina.
Sa kaniyang televised announcement tinawag nito na ang impeachment bilang “politically motivated”.
Magiging epektibo ang pagbibitiw ni Cuomo matapos ang 14 na araw.
Pinangunahan ni US President Joe Biden ang pananawagan na magbitiw na ito.
Papalitan naman siya ni Kathy Hochul.
Ang 62-anyos na si Hochul ay magiging kauna-unahang babaeng gobernadora sa kasaysayan ng New York.
Unang nahalal bilang lieutenant governor ng New York noong 2014 kung saan nagwagi siya bilang governor at runningmate nito si Cuomo.
Taong 2011 nang magwagi ito sa US House of Representatives sa 26th congressional district ng New York.