Pinaghahandaan na umano ng New York City at iba pang lugasr sa Estados Unidos ang posibilidad ng terrorist attack sa lungsod matapos mapatay ang Iranian commander na si General Qassem Soleimani.
Hindi naman maiwang isisi ni New York City Mayor Bill de Blasio kay US President Donald Trump ang kapahamakan na posibleng kaharapin ng buong bansa.
Aniya, hindi raw inisip ng pangulo ang maaaring kahinatnan ng iba’t ibang siyudad sa Amerika sa oras na isagawa na ng Iran ang kanilang pagganti.
Dagdag pa ni de Blasio na wala pa silang natatanggap na direktang pagbabanta sa siyudad ngunit sisiguruhin umano nila na magiging handa ang bawat miyembro ng New York Police Department.
Kung maaalala, natikman ng New York City ang hagupit ng malagim na terror plots noong 9/11 attack na ikinasawi ng libo-libong katao.
“No one has to be reminded that New York City is the number one terror target in the United States,” saad ni de Blasio sa isang press conference sa New York City Hall.
“We have to recognize that this creates a whole series of dangerous possibilities for our city.”