-- Advertisements --

Itinalaga ni New York City Mayor-elect Eric Adams si Keechant Sewel na mamumuno ng kapulisan.

Ito ang kauna-unahan sa kasay-sayan ng New York na babae ang mamumuno sa New York Police District (NYPD).

Ang 49-anyos ay beteranong police na 23-anyos na nakatalaga sa Nassau Police Department kung saang naging chief of detective siya noong Setyembre 2020.

Ang pagtalaga ni Adams kay Sewel ay bahagi ng kaniyang pangako sa kampanya kung saan bago pumasok sa pulitika ay naging pulis din ito.