-- Advertisements --
NZ Speaker Trevor Mallard, kasama ang anak ni Parliament Member Tāmati Coffey

WELLINGTON, New Zealand – Aliw na aliw ang marami sa New Zealand parliament sa ilang tagpo sa habang nagpapatuloy ang sesyon dahil may kargang sanggol si Speaker Trevor Mallard.

Makikita sa ilang larawan na pinapadede ni Mallard ang sanggol sa pamamagitan ng bote ng gatas.

Nabatid na ang bata ay anak ni Parliament Member Tāmati Coffey, mula sa isang procedure sa napili nitong surrogate mother.

Kababalik lang ni Coffey sa sesyon mula sa paternity leave nitong mga nakalipas na araw.

Naging komportable naman ang pinuno ng House of Representatives na mag-alaga dahil sanay na itong mag-asikaso ng bata lalo’t mayroon siyang tatlong anak.