-- Advertisements --

Nagpasya ang bandang Oasis na kanilang kakanselahin ang mga tickets na ibinenta ng mga resellers.

Ayon sa banda na nasa 50,000 na mga tickets para sa kanilang British tours ang nakansela dahil sa pagbebenta ng ilang mga hindi otorisadong resellers.

Layon nito ay para madismaya ang mga scalpers na bumibili ng maraming tickets para ibenta ng mas mahal.

Magugunitang mula ng ianunsiyo ng magkapatid na Liam at Noel Gallagher na magkakaroon sila ng tour sa susunod na taon ay mabilis na naubos ang tickets.

Napag-alaman na lamang nila na maraming mga scalpers ang bumili ng mga tickets.

Pagtitiyak naman ng organizer na kanilang ibabalik ang mga pera ng mga nakabili ng kinanselang tickets.

Magsisimula ang nasabing concerts sa darating na Hulyo 4, 2025 sa Cardiff, Manchester, London, Edinburgh at Dublin.