-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Oasis member na si Liam Gallagher ang pagsasagawa nito ng small 2024 tour.

Ang nasabing tour ay kasunod ng ika-30 taon ng kanilang album na “Definitely Maybe”.

Sa kaniyang social media, sinabi nito na ang nasabing album ay mahalaga sa kaniya.

Hindi kasi ito makikilala kapag wala aniya ang nasabing album.

Ito ang unang pagkakataon na mag-perform si Gallagher ng buong “Definitely Maybe” mula ng maghiwalay ang banda noong 2009.

Makakasama nito sa tour ang isang co-founding member na si Paul Arthurs subalit hindi pa tiyak kung makakasama ang kapatid nitong si Noel Gallagher.

Magsisimula ang tour ng banda sa Hunyo 2 sa Cardiff, London, Glasgow, Dublin at Manchester.