-- Advertisements --

Inanunsiyo ng bandang OASIS na magkakaroon pa sila ng dalawang extra concert dates para sa kanilang reunion concert.

Ayon sa banda na gaganapin ang nasabing concerts nila sa Wembley Stadium sa Setyembre 27 at 28, 2025.

Mabilis na naubos kasi ang tickets matapos ang kasabikan ng mga fans na makita ang banda na magkakasama sa loob ng 15 taon.

Ang kaniyang album na Definitely Maybe ay inilabas noong 30 taon ang nakalipas at sila ay naghiwalay noong 2009.

Sinabi ng main songwriter na si Noel Gallagher na hindi na niya kayang makasama pa ang kapatid na si Liam matapos ang ilang beses na hindi pagkakaintindihan.

Una ng inanunsiyo ng grupo na mayroong 14 shows sila nagaganapin sa Ireland at Britanya.