-- Advertisements --
Pinasaringan ni dating US President Barack Obama ang paglalagay ni President Donald Trump ng mga federal agents para pigilan ang mga protesters sa malaking bahagi ng US.
Sinamantala nito ang pagkakataon ng magbigay siya ng eulogy sa funeral service kay civil rights leader John Lewis sa Atlanta.
Bagamat hindi niya binanggit si Trump ay tinukoy nito ang maling hakbang ng paglalagay ng mga federal agents na gumagamit ng tear gas at baton laban sa mga peaceful demonstrators.
Kasabay din nito binanatan ni Obama ang mga Republican na nagtatangkang patahimikin ang mga minority politicians ganun din ang mail-in voting na plano ni Trump.