Magiging star-studed ang ikatlong araw ng Democratic National Convention (DNC) sa nalalapit na pag-endorso kay dating US Vice President Joe Biden sa pagkapangulo sa darating na November US election.
Ilan sa mga nakatakdang magsasagawa ng talumpati ay sina Democratic vice presidential nominee at Senator Kamala Harris ng California, House Speaker Nancy Pelosi, dating Secretary of State at 2016 Democratic presidential nominee Hillary Clinton, Sen. Elizabeth Warren ng Massachusetts, Wisconsin Governor Tony Evers, Senator Sherrod Brown ng Ohio, Los Angeles Mayor Eric Garcetti, Rep. Cindy Axne ng Iowa, New York Governor Michelle Lujan Grisham, dating Rep. Gabrielle Giffords ng Arizona at dating Pangulong Barack Obama.
Magiging emcee naman ang actress na si Kerry Washington.
Magtatanghal naman sina Billie Ellish, Prince Royce at Jennifer Hudson.
Gaya ng mga nagdaang araw ng DNC inaabangan ang mabigat na mga pahayag ng mga naimbitahang speakers.
Dahil sa pangamba pa rin sa COVID-19 ay magiging virtual pa rin ang gaganapin ng national convention ng Democrats.