-- Advertisements --
Pormal na inindorso ni dating US President Barack Obama si dating Vice President Joe Biden sa pagkapangulo.
Isinagawa nito ang pahayag sa inilabas na video message ng dating pangulo.
Sa unang bahagi ng video ay pinasalamatan niya ang mga frontliners na lumalaban sa coronavirus at inilipat ang pagtalakay sa pag-endorso kay Biden.
Hindi rin ito pinalagpas na banatan si US President Donald Trump at mga Republican at sinabing hindi sila interesado sa progress at interesado lamang sila sa power.
Ang pag-endorso ni Obama ay isinagawa ilang araw matapos ang pormal na pag-atras ni Senator Bernie Sanders sa pagkapangulo ng US at inindorso na lamang si Biden.