-- Advertisements --

Nagbabala si dating US President Barack Obama laban sa Democrats dahil sa pagiging masyadong kumpyansa ng mga ito sa presidential race ngayong taon.

Sa isinagawang grassroots fundraiser para kay presumptive Democratic nominee Joe Biden, nanawagan si Obama sa lahat na manunuod na matuto ng leksyon sa nangyari noong 2016 presidential election at huwag na hayaang mangyari ulit ito.

Ayon sa dating presidente, hindi raw dahil mayroong “great awakening” na nangyayari sa mga kabataan ngayon kung saan isinusulong ng mga ito ang reporma para sa Amerika ay ibig sabihin nito na sigurado na ang kanilang pagkapanalo.

Pinuna rin ni Obama ang unti-unting pagkakahati ng pananaw ng mga Amerikano na isinisi naman niya kay Trump.

Ang naturang fundraising ay hudyat umano ng muling pagbabalik ni Obama sa presidential campaign trail.

Sa ngayon ay nangunguna pa rin ang fund raising ng kampanya ni US President Donald Trump na may $265 million in cash o halos P13 billion noong May habang $7.6 million o nasa P380 million pa lamang ang naiipon ng kampanya ni Biden.