Nagbabala ngayon si dating US President Barack Obama sa magiging kahihinatnan ng hindi mabilis na pagtugon sa climate change.
Ito raw ang maliwanag sa ngayon kahit ginagawa na ng buong mundo ang lahat para matugunan ang problema sa climate change.
Nararanasan pa rin daw sa maraming mas malalakas na bagyo, mas mahabang tagtuyot at mas matinding mga pagbaha.
Sa kanyang talumpati sa COP26 summit sa Glasgow, sinabi ng dating pangulo ng pinakamakapangyarihang bansa, nagkaroon naman ng “meaningful progress” sa climate change simula nang magkaroon ng Paris agreement noong 2015 at pinuri nito ang pagsisikap ng US climate envoy na si John Kerry.
Pero, ang kanilang pagsisikap ay mistulang kulang pa rin para matugunan ang climate change na nararanasan na sa buong mundo.