Hinihikayat umano ni dating US President Barack Obama ang kaniyang bise presidente na si Joe Biden na huwag nang ituloy ang kaniyang pagtakbo sa 2020 US presidential elections.
Naungusan ni Biden si US President Donald Trump sa ilang poils para sa naturang 2020 matchups.
Ayon sa bise presidente, hindi raw nito mapapatawad ang kaniyang sarili kung pakakawalan nito ang pagkakataon upang matalo si Trump.
Una nang inakala ni Biden na matatalo niya si Trump noong 2016, ngunit bigla na lamang umatras si Obama sa pagsuporta rito at lumipat sa kampo ni former Secretary of State Hillary Clinton sa kadahilanan na mas magiging epektibo raw ito kung siya ang magpapatuloy ng iiwang legasiya ni Obama.
Naglabasan ang mga espekulasyon na nagdesisyon umano muli si Obama na pansamantalang itigil ang suporta kay Biden.
Ngunit bago pa man ito ay nagpakita na ng malaking papel ang dating pangulo sa mga presidental campaign ni Biden kasama ang iba pang kandidato.