-- Advertisements --
barack obama facemask

Walang sinayang na minuto si dating US President Barack Obama sa kaniyang pagbatikos kay US President Donald Trump.

Tumutulong ang 44th U.S. President sa ginagawang pangangampaniya ni Democratic nominee Joe Biden sa Philadelphia.

Binatikos nito si Trump sa pamamagitan ng isyu ng tax policy ng Republican President at ang kontrobersyal na paghawak nito ng coronavirus pandemic sa kanilang bansa.

Aniya, hindi man siya makapaniwala na ipinagpatuloy ni Trump ang kaniyang mga pananaw ngunit, ginawa umano ito ng 74-anyos na Presidente dahil sa pansariling interes lamang.

Sinabi rin nito na walang ginawa ang 45th president na iligtas ang buhay ng mamamayan sa Amerika laban sa coronavirus dahil mismo ang Presidente ay nagpapabaya.

Dahil umano sa ginawa ni Trump, tiyak na ang kaniyang pagkatalo.

“I never thought Donald Trump would embrace my vision or continue my polices, but I did hope for the sake of the country that he might show some interest in taking the job seriously,” ani Obama. “But it hasn’t happened. He hasn’t showed any interest in doing the work or helping anybody but himself and his friends.”

Kasabay nito, inungkat din ng dating presidente ang lumutang na siyu na merong Chinese bank account si Trump.

“How is that possible? A secret Chinese bank account… “listen, can you imagine if I had had a secret Chinese bank account when I was running for reelection?” (reports by Bombo Jane Buna)