-- Advertisements --
obama on dnc 2020
Ex-US President Barack Obama

Meron umanong kamay si dating US President Barack Obama sa pagkumbinsi kina LeBron James at Chris Paul na bumalik sa paglalaro matapos ang pagboykot sa games.

Si Paul kasi ang tumatayong lider ng unyon ng mga players, habang si LeBron naman ang nanguna sa walkout ng mga players nitong nakalipas na Huwebes.

Nang tinawagan nina James si Obama, ang payo raw ng dating presidente ituloy ang paglalaro at gamitin ito upang iparating ang mga adbokasiya sa pagbabago.

Matapos ang dialogue tumulong na ang grupo ni LeBron sa pagbuo ng social justice action plan kasama ang liga at team owners.

Una rito, kabilang pa sa nag-liason sa players at owners ng team ay ang basketball legend na si Michael Jordan na may-ari ng Charlotte Hornets.

Bukas balik na ang games sa first round ng NBA playoffs.

Sunday games:

Game 5: Bucks vs Magic (3-1)
Game 5: Thunder vs Rockets (2-2)
Game 5: Lakers vs Blazers (3-1)