-- Advertisements --

Napili sina pole vaulter Ej Obiena at Judoka Kiyomi Watanabe bilang flag bearer sa opening ceremony ng Tokyo Olympics.

Ayon kay Philippine Olympic Committee President Abraham “Bambol” Tolentino na inabisuhan na nila ang nasabing mga atleta at ibinase nila ito sa kanilang iskedule.

lahat aniya ng 19 na atleta ay kwalipikado na maging flag bearer subalit pumili sila sa hindi magiging salungat sa iskedule ng kanilang paglalaro.

Darating sa Tokyo si Obiena sa Hulyo 23 habang si Watanabe ay nasa Japan na.