Nalungkot pero hindi na nasorpresa si Filipino Olympic pole-vaulter EJ Obiena sa desisyon ng Philippine Atheltics Track and Field Association (PATAFA) na tanggalin siya sa national team at sampahan ito ng kaso.
Sinabi nito na tila guminhawa na ang kaniyang pakiramdam dahil sa alam niyang kakasuhan siya at handa nitong harapin ang anumang kaso ang isasampa sa kaniya.+
Umaasa ito na magkakaroon siya ng pantay na pagtrato sa korte at para matapos na ang walang basehan na paghahanap ng butas sa kaniya.
Patuloy na iginigiit nito na naayos na lahat ng mga bayarin niya sa kaniyang coach at ito ay isinagawa sa legal na pamamaraan.
Labis lamang ito ng nalungkot dahil maging ang pangalan ng kaniyang coach na si Vitaly Petrov at adviser na si Jim Lafferty ay nadamay sa nasabing akusasyon ng PATAFA.
Dagdag pa nito nakatanggap siya ng pagtitiyak mula sa Philippine Olympic Committee (POC) na sasabak pa rin siya sa mga torneo sa ibang bansa.