Itinuring ni Filipino pole vaulter EJ Obiena na tila sinasabotahe siya ni Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa) president Philip Juico sa kaniyang pagsabak noong Tokyo Olympics.
Sa pagdinig sa House committee on youth and sports development hindi maiwasan ni Obiena na manghinala na tila sinasabotahe ito sa kaniyang balakin na makakuha ng gintong medalya noong Olympics.
May pagkakataon aniya na hindi man siya nakonsulta sa pagpili kung sino ang bubuo ng kaniyang koponan na sasabak sa Olympics at mali rin ang mga nabiling kagamitan ng PATAFA na agad na nasira ilang linggo bago ang pagsabak nito sa Tokyo, Japan.
Magugunitang inakusahan ni Juico si Obiena na pineke nito ang mga reimbursement ng bayad sa coach nito noon pang 2017.