-- Advertisements --

Kumpiyansa si Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) Secretary General Jasper Tanhueco, na makakakuha ng gintong medalya sa Paris Olympics si EJ Obiena.

Sinabi nito na labis ang ginagawang pagsasanay ng 28-anyos world number 2 pole vaulter kung saan matagumpay ang mga nagdaang torneo nito.

Kahit na nasa pang-apat na puwesto ito sa Meeting de Paris sa France nitong Linggo ay itinuturing pa rin aniya ni Obienia na isa itong magandang ensayo.

Sa ngayon aniya ay nasa training camp si Obiena kasama ang coach nito na sai Vitaly Petrov para sa last stages ng kanilang paghahanda sa Olympics.

Target nitong makabawi dahil nagtapos sa pang-11 ito sa nagdaang Tokyo Olympics.