-- Advertisements --
Nagkasya sa ikalawang puwesto si EJ Obiena sa katatapos lamang na ISTAF 2022 sa Olympiastadion sa Berlin, Germany matapos ang serye nang pagkampeon nitong nakalipas na huling dalawang linggo.
Nagawang ma-clear ni Obiena ang 5.81 meters para sa second place habang ang ang pambato ng Netherlands na si Menno Vloon ang nakasungkit ng korona matapos makuha ang 5.88 meters.
Kung maalala si Obiena ay katatapos lamang ang magkasunod na gold medal win kabilang na ang Brussels Diamond League kung saan na-upset niya ang world’s No. 1 at Olympic champion na si Armand Duplantis.